Ano ba talaga?

March 20, 2008 at 11:44 am | In Idiosyncracy | Leave a Comment
Tags: ,

Nakakatawa talaga ang LOVE. Isa siyang napakalaking Oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo di ba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Pero malungkot magmahal.
Hindi mo naiintindihan pero, in a way, naiintindihan mo parin.
Walang kang maisip na rason. Tas marami pa ring rason.
Sabi mo hindi mo na kaya, pero kinakaya mo pa rin.
Masakit magmahal, though okay lang.

Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude and standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang loka! At ayun, tanga na rin siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron na lang. Hindi lang kasi basta kabaligtaran ang pag-ibig.

Lahat ng bagay nababaligtad niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh, arang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na AYOKO na ma-in-love!” biglang KACHING! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Hindi ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero kapag problema mo na yung pinaguusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa may problemang tao? Naiisip mong wala naman mali dun sa mga sinabi mo.. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.

Ngayon ko lang nalaman na ganito pala.. Sabi ko na eh!
Ang sarap mabuhay. Pwede na ko mamatay kahit ngayon na!”

At hindi lang ‘yon..

Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos kapag luray-luray na yung puso nila, syempre hindi sila yung may kasalanan.

Siya!

“Bakit niya ako sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yun, at pagbagsak ng pinto. Hayop talaga! Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa kapag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na rin kasi yun nakasalubong kaya masasabi ko na expert na ko.. Kaya lang, wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguaradong ikaw ng punchline.

Nakakatawa ‘no?

Nakakaiyak.

Blog at WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.